Mga Uri ng Kaibigan
May iba't-ibang uri ng kaibigan may mabait, may makulit, may matapang kung baga kala mo palaging galit, meron din namang napaka tahimik yung akala mo hindi nagsasalita, meron din naman komidyante o mas kilala sa tawag na joker siya yung tipo ng kaibigan na kahit malungkot kayo kaya ka niyang patawanin, at marami pang iba. Pero minsan sa mga magkakaibigan maririnig mo ang salitang tunay at pekeng kaibigan.
Maraming nag-tatanong kung bakit nasasabi nang isang tao na peke ang kaibigan nila, maramiring nagtatanong kung paano malalaman ang tunay na kaibigan sa pekeng kaibigan. Para sakin wala naman talagang peke at tunay na kaibigan dahil ikaw lang ang nag-iisip na peke at tunay sila, nasasabi mong peke ang iyong kaibigan dahil pakiramdam mo nanjan lang siya kapag may kailangan? Dahil pakiramdam mo na pera lang ang habol nila sayo? At dahil pakiramdam mo na walang silang pake sayo.
Subukan nating baliktarin ikaw yung iniisip nilang pekeng kaibigan at napapansin nila na nandon kalang kapag may pera sila at may kailangan ka, ngayon naramdam monaba ang nararamdaman ng isang taong sinasabihan ng pekeng kaibigan? Hulaan ko nasaktan ka diba? Nasaktan ka dahil mali ang paghusga nila sayo, dahil hindi kanila kinilala ng mabuti at maspinairal pa nila ang pakiramdam nila kesa kilalanin ka. Totoo, masakit mahusgahan ng hindi totoo lalu na kung galing sa kaibigan mo na tinuring mona ring kapatid. Hulaan ko nakakarelate ka diba kasi totoo. Sa mundong ito maspinapairal ng mga tao ang paghusga sa kapwa nila hindi nila iniisip ang pakiramdam ng taong hinuhusgahan nila kahit kaibigan pa nila, at dahil sa panghuhusga nila naging dalawa ang uri ng kaibigan para sa kanila, isang tunay at isang peke. Ang tunay na kaibigan para sa kanila ay yung kaibigan na laging nanjan, maasahan, karamay, kasangga, at may pakinabang. Ang pekeng kaibigan naman para sa kanila ay yung kaibigan na walang silbe, walang pakisama, walang kwenta at hindi maasahan ilan lang yan sa mga halimbawa para sa kanila. Kaya nila nasasabing walang silbe o walang kwenta ang kaibigan nila kapag may gusto silang makuha ngunit pinipigilan sila nito, maraming rason kung bakit hindi kayang gawin at tinututulan ka ng mga tinatawag mong pekeng kaibigan, unang rason dahil ayaw nilang mapahamak ka, pangalawa dahil hindi nila kayang gawin ang pinapagawa mo ilan lang yan sa rason, pero dahil sa rason na yan na hindi mo naisip at basta ka nalang nanghusga matatawag mo nalang basta-basta ang mga kaibigan mo nang pekeng kaibigan at dahil nauuna ang paghusga mo bago ka mag-isip kung bakit kanila pinipigilan at tinututulan masisira tuloy ang matagal niyo nangpagiging magkaibigan, masisira ang lahat nang inyong pinagsamahan at mababago ang lahat nang-iyon dahil lamang sa iyong pagghusga ng hindiman lang nag-iisip. Hindi naman kailangan malaman kung tunay ba o peke ang iyong kaibigan ang importante nanjan sila at hindi kanila iniiwan, mag-isip muna bago manghusga wagpairalin ang damdamin bago sa isip, masmaganda kung iisipin mo muna bago ka mag-isip nang kung ano-ano sa kanila sabi nga sa palabas na eatbulaga bawal judgemental ibigsabihin wagmo silang husgahan agad isipin mo muna kung mali o tama ba ang ginawa nila. Diko naman masasabi na sa lahat ng oras tama ang kaibigan mo, gusto kolang malaman mo na walang peke at tunay na kaibigan dahil kahit anong gawin mo kaibigan at kaibigan mo sila.
Nais ko lamang magpasalamat sa lahat ng mga naging kaibigan ko dahil kung hindi sa inyo hindi sasaya ang buhay ko salamat dahil kahit anong mangyari nanjan kayo. Gusto ko din magpasalamat sa pamilya ko salamat dahil sinuportahan nyo ako at dahil sa inyo nakilala ko ang mga kaibigan ko. Nagpapasalamat din ako lalong-lalo na sa ating mahal na PANGINOON dahil ginabayan niya ako at hindi niya ako pinabayaan, maraming salamat sa lahat.
Larawang Sanaysay
--------------------------------------------