Hirap sa Kamay ng Pandemya

Nagsimula ang pagbabago ng aming pamumuhay noong dumating ang pandemya dulot ng sakit na Corona Virus o maskilala sa tawag na "Covid-19" ang sakit na ito ay napakadelekado kaya't ang lahat ng mga trabaho, paggala o miski paglabas ay ipagbabawal sapagkat upang maiwasan ang pagkalat at pagdami ng mga taong nagkakasakit nito, at dahil dito sa sakit na ito nagsimula ang kahirapan na aming nadadama sa ngayon.

Masaya ang pamilya namin noon at ang bawat miyembro nito ay may sariling trabahong pinagkakakitaan, ang buhay namin noong wala pang-pandemya ay normal na normal lamang dahil nakakakain kami ng tatlong-beses sa isang araw. Nagbago ang pamumuhay namin dahil sa pandemya na dulot ng sakit sa Covid-19 nawalan ng trabaho ang bawat miyembro ng aking pamilya at ang naging resulta nun ay napakalaki dahil sa trabaho lang kami umaasa upang makakain kami ng tatlong beses sa isang araw ngunit ngayon, ang dating tatlong-beses sa isang araw na aming kinakain ay naging isang beses nalang at minsan kung papalarin ay nakaka-dalawang beses pa kami sa isang araw. 
Ngayon ang buhay namin ay umiikot nalang sa ayuda at mga tulong na galing sa barangay, ang pakiramdam namin ngayon ay napakahirap dahil kung walang ibibigay ang barangay na tulong siguro marami saamin ang nagkasakit na  dahil sa sobrang kagutuman, habang tumatagal ang pandemyang ito maslalung humihirap ang pamumuhay namin sapagkat kapag walang ayuda ay namromroblema kami kung saan kukuha ng makakakain ang bawat tindahan na malapit saamin ay nautangan na namin at ang iba ay sinisingil na kami ngunit wala kaming mapangbayad dulot nga sa pagkawala ng mga trabaho ng aking mga magulang, ang masaya naming pamilya ay unti-unting nilalamon na ng kalungkutan dulot ng problema, pera at kahirapan na dulot ng pandemyang ito.

Kaya ko ito naisinulat at inilalahad upang malaman ng mga tao ang hirap na nararanasan ng mga taong na epektuhan ng pandemya tulad ng kawalan ng trabaho at pera. Ang punto ko kung bakit ko ito isinulat ay upang maging aware ang mga may kapangyarihan na tulungan sila at upang malaman din nila ang epekto ng pandemya sa mga tao. Ang ambag ng aking isinulat ay upang malaman ng mga maykapangyarihan ang hirap na nararanasan ng ating mga kababayan at upang matungan ang mga kababayang nahihirapan dahil sa pandemyang kanilang hinaharap.

Popular posts from this blog

Mga Uri ng Kaibigan

Sama kana Bagac Bataan Let's goooo