Sama kana Bagac Bataan Let's goooo
Alam kong naranasan monang pagtripan lunurin ng mga kaibigan mo, pinsan mo basta malapit sayo ano pang hinihintay mo dito masmasarap maglunuran pwede mo din ibaon sa buhangin yung taong nang-iwan sayo! Nasaktan ka? shempre oo bat kasi sa maling tao kapa nafall hindi kanalang tumalon sa waterfall's. Ano sasamahan moba akong maglakbay sa lugar kung saan walang taong pafall este sa lugar na may malapit na waterfall's ohh tara sama kana iwan mo na yang taong walang ginawa kung hindi paluhain ka! Gusto mo isama mo na rin tapos ibaon natin sa buhangin. Oh ito napala yung van mauna kanang sumakay malay mo madulas ka edi nasalo pa kita, ayieee. Oh hakbang na halika't lakbayin natin ang Bagac. Ang Bagac ay nasa lalawigan ng Bataan. Labing-isang bayan ang bumubuo Sa lalawigan ng bataan pero bakit ka iniwan? (Charot) isa na rito ang Bagac. Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga taga-Bataan hindi katulad ng jowa mo na hindi marunong gumawa ng gawaing bahay. Legit diba? Napakalawak ng historya ng Bataan, kaya naman ay marami rin itong mga tradisyon. Buti pa yung Bataan tradisyon lang ang marami hindi babae/lalaki! Aruy masakit soeey na. Isa na rito ang mga kapatid nating Aeta. Alam moba na Kulot” ang tawag sa mga Aeta at “Unat” naman sa mga katulad natin. Ikaw ano tawag ng Bf/Gf mo sayo babe pag may kailangan tas true name mo pagwala! Alam mo rin ba na may pagdiriwang sila na kung tawagin ay “Pawikan Festival” sa bayan ng Morong. Ang Pawikan Festival ay isang taunang pagdiriwang ng mga endangered na ‘pawikan’ o mga pagong. Ngayon alam mona ang ilang cultura at tradisyon ng Bataan, ngayon huhulaan ko excited kana noh oh tara na di kita iiwan kaya humawak ka sakin at simulan nanatin ang paglalakbay, let's go.
Habang binabaybay namin ang daan patungo sa Laki Beach ay nakita muna namin ang kagandahan ng bataan. Kasing ganda ng guro namin sa Filipino na si maam Bayotas. nakita namin ang iba't-ibang uri ng mga kalakal na kanilang ipinamumuhay. Habang nasa biyahe kami namangha kami sa iba't-ibang uri ng mga karagatan at kabundukan na abot tanaw lang namin sa daan yung feeling na gustong-gusto konang lumabas o kaya tumalon sa van yung tipong langoy na langoy kana kung baga ay sabik na sabik kana at dikana makapag antay, at habang palapit kami ng palapit sa aming patutunguhan pasabik ng pasabik naman ang aking nararamdaman at ano mang-oras ay diko na kayang pigilan ang aking sarili. At ito na dumating na nga kami sa aming distinasyon kung saan ang aking mata ay humanga sa sobrang kagandahan nitong nakita, isang dalampasigan na sobrang linis ang tubig at ang buhangi naman ay sobrang puti kung saan mapapasabi kanalang nang "sana all maputi" ang dalampasigan ng Laki Beach, dun kolang naranasan ng walang ahunan sa tubig dahil ang pakiramdam ko ay sayang kung hindi ko ito susulitin. Hanggang umabot ng hapon at ang dalampasigan ay parang nabuhay lumikha ito ng maraming alon at tila nawala ang kapayapaan sa tubig ayun pala ang selyales ng high tide, maya-maya pinaahon na rin kami ng life guard sa kadahilanang malapit nang dumilim at mashado nang malakas ang alon, dun natapos ang aking kaligayahan pero ok lang dahil ito naman ay aking nasulit pwera lang kapag nakaka-inom ako ng tubig ang alat kasi mashado ng tubig sa dagat. Bakit may dagat kanabang napagswimmingan na matamis ang lasa ng tubig? Nasubukan ko din yung cr nila yung tubig nila sa cr hindi mashadong malamig kung baga sakto lang, habang ako ay naliligo sa cr nila nakakita ako ng salamin na maliit at ang salamin na yun ang nagpakita sakin ng isang nakakapanindig-balahibong itsura dahil pagtikin ko sa salamin nakita ko ang muka kong sunog na sunog dahil sa walang ahunang paliligo sa dagat. natapos ang aking paliligo at kami na ay nagpaalam sa dalampasigang iyon masakit mang lumisan ngunit kailangan nating mamaalam. At sa aming biyahe pauwi sobrang lungkot ang aking nadama sapagkat iniisip ko kung kailan ulit ako makakaligo sa dalamapasigang katulad niyon at kung bakit ang puti ng tubig dun tapos ako hindi maputi joke.
Nagpapasalamat ako sa pamilya ko kung di dahil sa kanila diko mararanasan makaligo sa Laki Beach nagpapasalamat din ako sa Diyos na hindi kami pinabayaan at hindi nagsawang gabayan kami ang hiling ko sana maranasan niyo din makaligo sa Laki Beach promise legit yung puti ng dagat yun lang sana nag-enjoy kayo sa biyahe natin sa uulitin paalam.